Posts

Showing posts from July, 2018

No Money for Rally! Cavite Protesters Return Home Early Empty Handed

Image
At least 350 SONA protesters from Cavite returned home early today after a national organizer told them that there is no budget for them. Mario Sanggalang, leader of Samahang Magsasakang Caviteño (SMC) and local organizer told DZMM that they are disappointed on how the Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), headed by its secretary general Renato Reyes Jr., handled the budget. Isang buwan pa lang bago sumapit ang SONA napag mitingan na namin kung magkano dapat ang budget kada tao. Eh ang siste e nong dumating na ang takdang araw wala raw budget sa amin. Karamihan dito gumising pa ng medaling araw para wag lang maiwan angs ervice tapos ngayon sablay. Ang malaking problema naming ngayon eh kung papano bayaran tong mga jeep na inarkila naming”, Sanggalang said. The militant leader said he could not find a single national organizer when he went to Bayan’s headquarters early today. Parang pinagtataguan tayo so pinabalik na lang natin ang mga tao na nasa Alabang na”, Sanggal...

PAGHAHANDA | Operation center ng NDRRMC nasa red alert status na

Image
Nasa red alert status na ngayon ang operation center ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) paghahanda sa epekto ng bagyong Josie na sinabayan ng habagat. Ayon kay NDRRMC Spokesperson Director Edgar Posadas, mismong iniutos ni Civil Defense Administrator USEC Ricardo Jalad ang pagtataas ng alerto. Layon aniya nitong matiyak na maibibigay ng National Government sa pamamagitan ng mga ahensyang miyembro ng NDRRMC ang pangangailangan ng mga pamilyang naapektuhan ng epekto ng bagyong Inday at habagat. Una nang nagtaas na ng alerto ang Office of Civil Defense (OCD) ng Cordillera Administrative Region (CAR) dahil sa ang rehiyon ang tumbok ngayon ng bagyong Josie. https://rmn.ph/paghahanda-operation-center-ng-ndrrmc-nasa-red-alert-status-na/

WEATHER UPDATE | Bagyong Inday, patuloy na pinalalakas ang hanging habagat

Image
Patuloy ang paghigop ng lakas ng tropical storm Inday habang papalabas ng bansa. Ito ay namataan sa layong 995 kilometers, silangan – hilagang silangan ng Basco, Batanes. May lakas na hanging nasa 85 kilometro kada oras at pagbugsong 105 kilometro bawat oras. Kumikilos northwest sa bilis na 15 kph. Ang pag-uulang nararanasan ngayon sa Metro Manila, Batanes at Babuyan Group of Islands, Ilocos Region, Cordillera, Central Luzon, ay bunsod ng hanging habagat na pinalalakas ng bagyo. https://rmn.ph/weather-update-bagyong-inday-patuloy-na-pinalalakas-ang-hanging-habagat/

PUV MODERNIZATION | Mga modernong jeepney, babiyahe na!

Image
Sisimulan na ng pamahalaan ngayong buwan na maglabas ng mga modern jeepney. Ito ay bilang bahagi ng jeepney modernization program kapalit ng mga lumang jeep na pumapasada sa bansa. Ayon sa hepe ng Inter-Agency Council on Traffic (I-ACT) na si Tim Orbos, mula ngayong Ene­ro hanggang Marso na maglalabas na sila ng nasa 500 hanggang 3,000 units. Una nang ina­abisuhan ang lahat ng jeepney ope­rators at drivers na isailalim ang kanilang mga units sa Motor Vehicle Inspection System (MVIS) para masubok kung pwede pa itong pumasada. https://rmn.ph/puv-modernization-mga-modernong-jeepney-babiyahe-na/

These road signs keep you safe on the road

Image
Regulatory road signs These signs tell drivers what they can and cannot do on particular roads. They also include signs that indicate the maximum speed limit or weight and height limit on certain roads. Many of these signs are round and bordered in red. Examples of regulatory road signs include Stop, No U-turn, No Left or Right Turn, No Overtaking, No blowing of horn, No Entry, No Parking, among others. Warning road signs Warning signs inform drivers of potentially dangerous road or traffic conditions coming their way. You will usually find these signs just before approaching a roundabout, winding roads, or a sharp curve ahead. They can be easily identified by their triangular in shape with a red band outlining it. Some examples of warning road signs include those that indicate a roundabout, two-way traffic, hump ahead, narrow road, falling rocks, pedestrian crossing, slippery road, road work, and steep ascent. Information road signs As the name indicates, these ...

2 patay, 4 sugatan sa road accident sa Cebu City

Image
Dalawa patay habang apat naman ang sugatan sa aksidente ng tricycle at nang dalawang mini bus sa Barangay Magay, Cebu City. Dead on the spot sina Eje Rose Halipa at Mary Grace Tali habang isinugod naman sa pagamutan sina Wellaflor Mollena, Evangeline Davidon, Sherry Mae Moreno at ang driver ng tricycle na si Michael Francisco. Ayon sa imbestigasyon ng compostela traffic commission, papasok sana sa trabaho ang limang sakay ng tricycle nang bigla itong mabangga sa nag-overtake na mini bus. Sa lakas ng pagkabundol, tumilapon ang dalawang pasahero ng tricycle at nasagasaan ang mga ito ng isa pang kasunod na mini bus. Nakakulong na ngayon ang driver ng dalawang mini bus habang inihahanda na ang kasong reckless imprudence resulting in homicide laban sa kanila. Source: https://rmn.ph/road-crash-2-patay-4-sugatan-sa-road-accident-sa-cebu-city/

LP, dinipensahan si dating Pangulong Noynoy Aquino

Image
Ipinagtanggol ng Liberal Party (LP) si dating Pangulong Noynoy Aquino matapos isulong ng Ombudsman ang kasong usurpation of legislative powers kaugnay ng Disbursement Acceleration Program o DAP. Giit ng LP, ang DAP ay ginawa sa layuning maihatid ang mga serbisyo at imprastraktura na kailangan ng mga tao na may gabay ng mga batas na magagamit sa ehekutibo. Gayunman, iginagalang anila ni Aquino ang proseso pero umaasa rin itong mabibigyan ng puwang na marinig ang kaniyang panig. Source: https://rmn.ph/ipinagtanggol-lp-dinipensahan-si-dating-pangulong-noynoy-aquino/

E-gate system sa NAIA Terminal 1 at 3, ilulunsad ngayong araw

Image
Ilulunsad ngayong araw ng Bureau of Immigration (BI) ang electronic gate o e-gate system sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminals 1 at 3. Ayon kay Immigration Spokesperson Dana Sandoval, layon ng e-gate system na mas mapabilis ang proseso para sa mga Pilipinong nagbabalik bansa. Aniya, target din ng ahensya na makapagtayo ng dalawampu’t isang ‘e-gates’ sa buong bansa. Paliwanag ni Sandoval, tatanggapin ng ‘e-gate’ ang may mga updated passport na mayroong ‘chips security features’. Source: https://rmn.ph/pinadali-e-gate-system-sa-naia-terminal-1-at-3-ilulunsad-ngayong-araw/

7 patay, 44 sugatan na karamihan 4Ps member sa naaksidenteng jeep sa Pagadian

Image
ZAMBOANGA CITY – Umakyat na sa pito ang naiulat na nasawi habang 44 ang sugatan matapos sumalpok ang sinasakyang public utility jeep (PUJ) ng mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps sa iba pang mga sasakyan sa highway ng Barangay Dao, Pagadian City. Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo, nagmula ang 4Ps beneficiaries sa bayan ng Labangan sa Zamboanga del Sur at pumunta lamang sa Pagadian City upang mag-withdraw sana ng kanilang monthly cash assistance magtanghali kanina. Nabatid na nawalan ng preno ang jeep sa pababang bahagi ng kalsada kaya bumangga ito sa hindi bababa sa limang sasakyan. Sa lakas ng pagkakasalpok, napunta ang PUJ sa gilid ng kalsada at tumilapon ang mga sakay nito. Samantala, nilalapatan na ng lunas ang mga sugatan sa Zamboanga sel Sur Medical Center kung saan ang aksidente ay nangyari sa hindi kalayuan lamang ng naturang ospital. Marami umano sa mga biktima ay mga bata at ang ilan sugatan ay malubha ang tinamong sugat sa katawan. ...

Pagtutol ng mamamayan sa cha-cha, isinisi ni Sen. Drilon sa mga nagsusulong nito

Image
Para kay Senate Minority Leader Franklin M. Drilon walang ibang dapat sisihin kundi ang mga nagsusulong mismo ng charter change o cha-cha. Pahayag ito ni Drilon makaraang lumabas sa pinakahuling survey ng Pulse Asia na 67-percent ng mga Pilipino ang tutol sa planong pag-amyenda sa ating saligang batas. Diin ni Drilon, ang mga nagsusulong mismo ng cha-cha, lalo na ang mga kongresista na nais magpalawig ng termino ang may kasalanan kaya hindi ito sinusuportahan ng mamamayan. Ayon kay Drilon, malinaw sa survey na tiyak ibabasura lang ng taumbayan ang pagpapalit sa porma ng gobyerno patungong pederalismo kapag minadali ang cha-cha. Bunsod nito ay iginiit ni Drilon sa liderato ng Senado at Kamara na pakinggan ang sentimyento ng sambayanang Pilipino kontra cha-cha. Hinikayat din ni Drilon ang pamahalaan na bago atupagin ang cha-cha ay resolbahin muna ang mga problema sa bansa tulad ng pagtaas sa presyo ng bilihin, kawalan ng trabaho at lumalalang kriminalidad. Source: https://...

WEATHER UPDATE Bagyong henry, nag-landfall na sa Cagayan

Image
Nag-landfall na sa Fuga, Appari, Cagayan ang tropical depression Henry. May lakas ito ng hanging aabot sa 60 kilometers per hour at pagbugsong nasa 75 kilometers per hour. Kumikilos ang bagyo sa bilis na 25 kilometers per hour pa-kanluran. Nakataas ang tropical cyclone warning signal number 1: Batanes Hilagang bahagi ng Cagayan kabilang ang Babuyan Group of Islands Hilagang bahagi ng Apayao Hilagang bahagi ng Ilocos Norte Asahan sa mga nabanggit na lugar ang pag-ulan na may paghampas ng hangin. Pinalalakas din ng bagyong Henry ang hanging habagat na magdadala ng pag-ulan sa Metro Manila, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Mindoro, Palawan at Western Visayas. May kalat-kalat na pag-ulan naman na may thunderstorms sa nalalabing bahagi ng bansa. Inaasahang lalabas din sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ngayong araw ang bagyo. Source: https://rmn.ph/weather-update-bagyong-henry-nag-landfall-na-sa-cagayan/

Notorious na holdaper sa Pateros, arestado

Image
Arestado sa ikinasang buy bust operastion ang isang notorious na holdaper, na isa ring drug personality sa Culig-Culig St. Brgy., Santa Ana Pateros. Base sa imbestigasyon ng pulisya, makaraang magkaabutan ng pera, agad na dinakip ang suspect Marlon Bautista, 39 anyos. Nakuha mula sa pangangalaga ng mga ito ang isang Cal 38. Revolver, mga bala, isang One thousand peso bill na buy bust money at (3) plastic sachet ng hinihinalang shabu. Mahaharap ngayon ang suspect sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Source: https://rmn.ph/timbog-notorious-na-holdaper-sa-pateros-arestado/

Taxi Natiyempuhan ni idol Raffy Tulfo na Tumangging Magsakay ang Isang PWD

Image
Habang papasok si Idol Raffy Tulfo sa TV5, tiyempong nakita niya ang isang taxi na tinanggihang isakay ang pasaherong PWD (persons with disabilities). Nakatikim ng sangkatutak na pananabon mula kay idol Raffy ang taxi driver matapos niya itong habulin. Nakasakay din sa taxi ang PWD at kasama nito tapos sinagot pa ni Idol ang pamasahe nila. Hindi naman mapigil ang tuwa ng mga Netizen sa ginawa nang idol nating si Rafy Tulfo at ito ang kanilang mga reaksiyon. Panoorin ang full video sa ibaba mga ka-DDS. Anong masasabi niyo? Leave your comments below.

ABS-CBN publicist tinawag na pinakabobong senador si Manny Pacquiao

Image
Loading... Tinawag na pinakabobo ng isang ABS-CBN publicist na si Eric John Salut si Senator Manny Pacquiao sa kanyang Twitter account pagkatapos ng labang Pacquiao vs. Mathysee, noong July 14. Eric John Salut and Senator Manny Pacquiao / Photo from Twitter and MP Promotions Ayon sa tweet ni Salut, hindi raw umano siya proud sa pagkapanalo ni Pacquiao dahil hindi nito ipinagtanggol ang Diyos ng mga kristiyano noong kasagsagan ng mga banat ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Katolisismo. Inulan naman ng pambabash si Salut mula sa mga netizen dahil sa mga sinabi nito. Eric John Salut / Photo from ml-tube.com Sa unang tweet ni Salut, sinabi niyang nandidiri siya sa pagkapanalo ni Pacquaio at tinawag pa ang boksingero na "pinakatamad na Senador." Dagdag pa niya, wala rin daw dahilan ang mga kababayan natin na maging proud sa Pambansang Kamao dahil sa pananahimik nito noong binabanatan ni Duterte ang Diyos ng Katoliko. "Kung ipinagtanggol nya ang...

Pres. Duterte on Alegria Oil Field "Gusto kong Umiyak! Hindi Tayo Nakalimutan ng Diyos!"

Image
Ikinatuwa ng husto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbubukas ng Alegria Oil Field sa Cebu. Ang pagbubukas ng naturang oil field ay isang major development sa sektor ng enerhiya sa bansa. Magiging daan daw ito para kumita ng milyon-milyong ang Alegria, at ang una daw sa mga dapat makinabang ay ang mga residente sa lugar. "So meron tayong sariling [oil field]. And the first to enjoy should be the people of Alegria because nandoon. Sinabi ko sa kanila, over time there will be lot of Filipinos congregating here. There is money in this place. So it's about, siguro sa inyo it's 100 million a month. That would make you the richest municipality. And people will start to crowd." sabi ni Pangulong Duterte. Hindi maitago ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang emosyon sa pagbubukas ng Alegria Oil Field. "First time nakakita ako 'yung, pareho doon makita mo sa nagsingaw 'yung gas. I was exceedingly, exceedingly. Gusto kong umiyak. Not because, but final...

Pagmamaliit sa kakayahan ni VP Robredo, pinalagan ng pamunuan ng LP

Image
Pumalag si Liberal Party o LP President Senator Francis Kiko Pangilinan sa pagmaliit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kakayahan ni Vice President Leni Robredo na pamunuan ang bansa. Ipinagmalaki ni pangilinan na sa loob ng dalawang taon mula nang mahalal si VP Robredo ay itinuon nito ang atensyon sa pagtulong na iahon ng mahihirap. Diin ni Pangilinan, kahit walang posisyon sa gabinete, ay nakahanap si Robredo ng mga katuwang mula sa pribadong sektor upang makapagpaabot ng P252 milyong halaga ng tulong para sa 155,000 na pamilya sa pamamagitan ng kanyang programang angat buhay. Kasabay nito ay nihayag din ni Pangilinan na ang pormal na pamumuno ni Robredo sa opposition coalition ay nakasandig sa kanyang pamumunong mapagkalinga, mapagpalaya at nananagot. Tiniyak ni Pangilinan na ang Liderato ni Robredo ay magiging matatag na pambalanse sa mga nasa poder at sa kanilang mga maling patakaran at sapang-aabuso sa tiwala ng mamamayan. Article Source: https://rmn.ph/pumalag-pagmamali...

Thousands evacuated as Taiwan braces for Typhoon Maria

Image
Taiwan evacuated thousands of residents in mountainous areas while offices and schools were closed and flights canceled Tuesday as Typhoon Maria churned towards the island bringing torrential rain and powerful winds. Maria was 200 kilometers (120 miles) east-northeast of the northeastern coastal town of Yilan packing gusts of up to 173 kilometers an hour as of 10:00 pm (1400 GMT), the weather bureau said. Its impact was expected to be strongest from late Tuesday to early Wednesday although it has weakened slightly in the past few hours, with up to 500 millimeters (20 inches) of rainfall forecast for some areas, the bureau added. Authorities said more than 2,000 people had been evacuated so far. Local television showed soldiers going door to door in a mountainside village in Yilan to help evacuate residents. Officials have warned of possible floods and mudslides. “I have ordered the troops to stand by for relevant disaster prevention and relief … I also want to urge the pub...

Pagkakabit ng 21 E-gate sa NAIA, Sinimulan na

Image
Nagsimula na ang pagkakabit ng 21 E-gate sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na layong mapabilis ang pila sa immigration. Imbes mga immigration officer, ang E-gate na mag-tse-tsek ng passport ng mga pasahero tulad ng sa ibang bansa. Kailangan lang i-tap ang passport para bumukas ang gate kapag nakumpirma ang pasaporte. Kasabay nito, tiniyak naman ng Bureau of Immigration (BI) na hindi mawawalan ng trabaho ang mga immigration officer sa mga paliparan lalo at ekslusibo lang sa mga Pilipino ang E-gate. Article Source: https://rmn.ph/umarangkada-na-pagkakabit-ng-21-e-gate-sa-naia-sinimulan-na/

Libong Pasyente, Naserbisyuhan ng AFP

Image
Santa Maria, Isabela- Matagumpay na naidaos ang isang medical at dental mission, disaster response training, gift giving at libreng eye check-up sa bayan ng Santa Maria, Isabela. Ang naturang aktibidad na binansagang All-In-One-Bayanihan na pinagtulungang isagawa ng 86th Infantry Battalion, 5ID, PA na pinamumunuan ni LTC Vladimir Cagara, Northern Luzon Command (NOLCOM) AFP, Go Share Foundation, International Disaster Response Network at Local Government Unit (LGU) ng Sta Maria, Isabela na pinamumunuan ni Mayor Hilario Pagauitan. Ang aktibidad na minanmanan ng RMN Cauayan News Team ay ginanap mula noong Setyembre 15 hanggang 17, 2017 sa poblacion ng naturang bayan. Sa kabuuan ay mayroon silang naasikasong pasyente na umaabot sa 1, 286 at marami pang nakinabang sa iba pang serbisyo at pagsasanay sa naturang All-In-One-Bayanihan. Malaki naman ang pasalamat ni Mayor Pagauitan sa naturang aktibidad na matagumpay na naisagawa sa kanyang bayan. Article Source: https://rmn.ph/...

4 patay sa sunog na nangyari sa SK Maguindanao, Dahilan ng insidente sinadya umano!

Image
COTABATO CITY – APAT NA MIYEMBRO ng pamilya kabilang ang ama ng tahanan ang nasawi matapos na lamunin ng apoy ang limang mga tahanan alas dos ng madaling araw kanina sa Purok Niyog, Brgy. Katuli bayan ng Sultan Kudarat Maguindanao. Nakilala ang mga nasawi na sina Damos Araneta ang padre de pamilya, mga anak nito na sina Mujahid Araneta Grade 3 pupil, Dagul Araneta Grade 1 pupil at Vina Araneta Kindergarten. Sa panayam ngayong umaga ng Brigada News FM Cotabato Sultan Kudarat SFO1 Muhalidin Kasan, ang chief investigator ng Bureau of Fire Protection ng bayan, nagsimula ang sunog sa bahay ni Ginoong Araneta at mabilis itong kumalat sa apat na mga kabahayan. Kabilang sa mga nadamay na mga tahanan na natupok din ng apoy ang bahay nina Nila Usman, Gigi Araneta, Saad Zaede, at Samson Zaide na hanggang ngayon ay patuloy na inaalam ng BFP kung magkano ang danyos na iniwan ng sunog. Naglabasan naman ang mga haka-haka mula mismo sa mga residente na sinadya di-umano ni Ginoong Damos Aran...

Bagyong Gardo, Bahagyang humina at inaasahang lalabas ng PAR Mamayang Gabi

Image
Huling namataan ang bagyo sa layong 860 kilometers silangan – hilagang silagan ng Basco, Batanes. Taglay nito ang lakas ng hanging 185 kilometers per hour at pagbugsong nasa 225 kilometers per hour. Kumikilos west – northwest sa bilis na 30 kph. Dahil bumilis ang bagyo ay inaasahang lalabas ito mamayang gabi o bukas ng umaga. Malabong mag-landfall ang bagyo pero pinalalakas nito ang hanging habagat na nakakaapekto sa Palawan, Mindoro at Western Visayas. Kalat-kalat na ulan ang mararanasan sa Metro Manila, Calabarzon, Bicol Region, Zambales, Bataan at Aurora. Mapanganib pa ring maglayag sa hilaga at silangang baybayin ng northern Luzon. Kaugnay nito, ilang lugar muli ang nagdeklara ng walang pasok ngayong araw. All levels Marikina Malabon Navotas Valenzuela Cainta, Rizal Mamburao, Occidental Mindoro Zambales Province Article Source: https://rmn.ph/weather-update-bagyong-gardo-bahagyang-humina-at-inaasahang-lalabas-ng-par-mamayang-gabi/

24 na Party-list organizations, hindi na maaring tumakbo sa 2019 midterm election

Image
Diskwalipikado na para sa May 2019 Midterm Elections ang 24 na Partylist Organizations. Ito ay matapos ipag-utos ng Commission on Elections (COMELEC) ang delisting sa mga ito at pinakakansela na ang kanilang registration. Ayon sa COMELEC, mula sa nasabing bilang 18 party-list groups ang bigong makakuha ng kahit dalawang porsyento ng boto at hindi nakakuha ng pwesto sa second round ng seat allocation para sa partylist system sa dalawang nagdaang eleksyon. Apat na party-list groups naman ang tinanggal dahil naman sa kabiguang makasama sa huling dalawang eleksyon. Pero paglilinaw ng poll body, maari pang umapela ang mga tinanggal na party-list groups sa naging ruling. Article Source: https://rmn.ph/delisting-24-na-party-list-organizations-hindi-na-maaring-tumakbo-sa-2019-midterm-election/

Magulang na Walwal Iniwan ang Baby sa Loob ng Kotse sa Parking Lot

Image
So pauwi na ako from metrowalk and i was parked beside this toyota fortuner, ng mapansin ko na may parang umiiyak na bata. Heavily tinted yung car niya so di ko mapansin if may kasama siya or wala. But then bago ko sumakay sa car ko hinahampas ng baby yung salamin ng car and mas lalong lumakas yung pagiyak niya. It's a cry for help! And parang he wants to come out. So kinapalan ko na mukha ko na tignan yung car if sino kasama niya. And nagulat ako kasi walang kasama yung baby. Nasusuffocate na siya. And hindi din naka start yung car so walang aircon. Imagine! Sa dilim ng parking area ng metrowalk maiisip mo ba na may baby sa loob ng kotse na walang kasama? Dun na ako nagtawag ng guard para hanapin ang mga magaling na magulang ng batang ito na nagwawalwal lang sa metrowalk. May isa pa kaming katabing car na na nagsabi na kanina pa daw niya naririnig yung bata na yun na umiiyak. She was also shocked na bata pala yung nasa loob. Kala daw niya pusa lang yung tunog since sobrang liit...

Pangulong Duterte Mala Rockstar, Dinumog ng Libo-Libong Pilipino sa South Korea!

Image
Mahigit 2,000 mga Pilipino ang dumagsa para masaksihan si Pangulong Rodrigo Duterte sa una nitong pagbisita sa South Korea. Si Pangulong Duterte ay tumungo sa South Korea para makipagpulong kay South Korean President Moon Jae-In para pag-usapan ang pagpapatatag ng pakikipag-ugnayan sa larangan ng seguridad at ekonomiya. Apat na kasunduan ang inaasahan pipirmahan sa pagbisita ni Pangulong Duterte sa South Korea.   Via Dailyistorya

WATHER UPDATE Binabantayang bagyong nasa labas ng PAR, posibleng pumasok bukas

Image
Nananatiling nasa labas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang typhoon na may international name na Maria. Huling namataan ang bagyo sa 1,875 kilometers silangan ng Central Luzon. Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 185 kilometers per hour at pagbugsong nasa 225 kilometers per hour. Kumikilos ito pahilagang kanluran sa bilis na 15 KPH. Kapag pumasok ito sa Philippine Area of Responsilibity bukas, July 9 ay tatawagin itong bagyong ‘Gardo’. Malabo ang posibilidad na tumama ito sa kalupaan pero palalakasin nito ang hanging habagat. Asahan ang thunderstorms sa Metro Manila, MIMAROPA, Zambales, Bataan, Batangas at Cavite habang maaliwalas ang panahon sa natitirang bahagi ng Luzon. May ulan ding hatid ang habagat sa Western Visayas habang asahan lamang ang isolated thunderstorms sa nalalabing bahagi ng Visayas at Mindanao. Article Source: https://rmn.ph/wather-update-binabantayang-bagyong-nasa-labas-ng-par-posibleng-pumasok-bukas/

Bagyong ‘Maria’, super typhoon na

Image
Naging super typhoon na ang binabantayang bagyo na may international name na Maria. Inaasahang papasok ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Lunes pero Linggo pa lang ay palalakasin na nito ang Habagat. Idineklara ng U.S Joint Typhoon Warning Center na category 5 ang bagyo na katumbas ng isang super typhoon. May lakas ito ng hanging aabot sa 260 kilometers per hour (kph) at pagbugsong aabot sa 315 kilometro kada oras. Nagbabantang manalasa ang bagyo sa Jaoan at eastern China sa susunod na linggo. Article Source: https://remate.ph/2018/07/06/bagyong-maria-super-typhoon-na/

Pagsusulong Federalism, muling iginiit ni PRRD

Image
Muling iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsusulong ng Federalism sa bansa. Sa kanyang talumpati sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr sa lanang, Davao City, sinabi ng Pangulo na kailangan nang alisin ang unitary form of government sa Pilipinas. Kasabay nito, susubukan umano ng kanyang administrasyon na maipasa ang Bangsamoro Basic Law. Umaasa aniya siya na makukumbinsi niya si MILF Chairman Nur Misuari na sumama sa pag-uusap para sa maitama o di kaya ay maidagdag ang mga probisyong kailangan lamanin ng BBL. Article Source: https://rmn.ph/pederalismo-pagsusulong-federalism-muling-iginiit-ni-prrd/

‘NPA ouster plot vs Duterte: ‘Scapegoat’ lang para ideklara martial law sa buong bansa’

Image
Nais lang umanong gamitin ng Duterte administration na “scapegoat” ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) para ideklara ang martial law sa buong bansa. Ito ang buwelta ni CPP founding chairman Jose Maria Sison sa naging pahayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na planong pabagsakin ng NPA ang kasalukuyang administrasyon hanggang sa buwan ng Oktubre. Kathang isip lamang umano ang naging pahayag nina Defense Secretary Delfin Lorenzana, National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. at Department of Interior and Local Government OIC Eduardo Año na tatlong taon nang pinaplano ng CPP-NPA ang pagpapatalsik kay Duterte sa puwesto. Ayon kay Sison, gustong ideklara ni Duterte ang batas militar para sugpuin ang lahat ng kanyang kritiko, kalaban, mga kumukontra at lumalaban sa pagiging sakim at terror ng pangulo. “It is not true that the CPP has a three-year plan to oust Duterte by October 2018 since 2016. The militarists Lorenzana, Año and Esperon...

Apat na suspek na nasa likod ng ‘bible study ni pastor hokage, Facebook page’, iniimbestigahan na ng NBI

Image
Iniimbestigahan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang apat na suspek mula sa kontrobersyal na Facebook group na ‘bible study ni pastor hokage’. Ang nasabing group ay nagpapakalat ng mga malalaswang larawan at litrato ng mga babae. Ayon kay NBI Cybercrime Division Atty. Francis Senora – nakakatanggap na sila ng reklamo mula sa ilang babae na nabiktima ng nasabing group. Ang ilan sa mga ito, panakaw pang kinunan ng litrato ang maselang bahagi ng kanilang katawan at pinost sa group. Iginiit ni Senora – may pananagutan ang mga nag-share o nagpapakalat ng mga pribadong litrato sa ilalim ng anti-photo at video voyeurism act na may parusang anim hanggang 12 taong (year) pagkakakulong. Nakikipag-ugnayan na rin ang nbi sa Facebook para matukoy kung sino ang mga nasa likod ng nasabing group.

P1.8 Billion PNP Patrol Cars na Binili noong Aquino Gov't, Substandard ayon sa COA!

Image
Ipatatawag ni Senadora Grace Poe sina former Interior Secretary Manuel Roxas II at former Philippine National Police chief Alan Purisima para sa isang senate investigation dahil sa pagbili ng sa Mahindra PNP Patrol Cars na na mababang klase ayon sa Commission on Audit. Ayon sa ulat ng ABS-CBN, inere-reklamo ng ilang pulis ang performance ng mga nasabing sasakyan. Ang transaksyon na pinasok ng Aquino Government para mabili ang mga naturang sasakyan ay nakakahalaga umano ng P1.89 billion. Habang ang Aquino Administration ay nasasadlak sa kuwestiyonableng pagbili ng mga patrol vehicles, ang Duterte Government naman ay binibigyan lang ng libre at maayos na patrol vehicles ng mga bansang Japan at Sout Korea. Article Source: http://www.citizenexpress.today/2018/07/video-p18-billion-pnp-patrol-cars-na.html

’Bundol-bundol’ modus sapul sa dashcam

Image
Nauuso ngayon ang tinatawag na ‘bundol-bundol’ modus. Nitong nakaraang linggo, nagviral sa social media ang dalawang insidente ng naturang modus. Sa isa sa dashcam video, makikita ang isang lalaki na biglang tumumba sa gitna ng kalsada para magmukhang mabundol. Habang ang isang video naman, makikita ang isang lalaking sumalubong sa sasakyan para mabunggo. Payo ng mga awtoridad, isumbong sa kanila ang mga ganitong kaso para mahuli ang mga manloloko.

SAP Bong Go, hinamon si Senador Trillanes

Image
Hinamon ng One on One ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go si Senador Antonio Trillanes na panay ang banat sa Administrasyon. Matatandaan na sinabi ni Trillanes na nagdadrama lang sina Go at Presidential Daughter at Davao City Mayor Sara Duterte at sinasabing hindi tatakbo para sa Senatorial Election sa susunod na taon. Sa isang Interview kay Go kaninang umaga ay sinabi nito na hindi niya mapipigilan ang kanyang mga followers na magkabit ng kanyang mga posters sa EDSA at iba pang lugar sa bansa. Pabiro pang sinabi ni Go na pakikiusapan pa niya ang kanyang mga supporters na isama sa kanyang larawan ang larawan ni Trillanes para hindi na ito mainggit. Pero hinamon nalang ni Go si Trillanes ng one-on-one para matigil na ito at bahala na ang senador kung suntukan, basketball o masinsinang paguusap lamang. Bahala narin aniya si Trillanes na magsabi kung kailan at kung saan basta pupunta nalang siya doon. Ang paghamon ni Go kay Trillanes ay ginawa sa kanyang ...

Tanauan City, Batangas Mayor Tony Halili, binaril habang nasa flag ceremony

Image
Dead on arrival sa CP Reyes Medical Center sa Tanauan City Batangas si Tanauan City Mayor Antonio Halili matapos pagbabarilin sa New City Hall Barangay Natatas Tanauan City kaninang umaga. Ayon kay PNP CALABARZON Regional Director Police Chief Superintendent Edwin Carranza alas-8:10 ng umaga kanina habang nagsasagawa ng flag raising ceremony ang mga opisyal at empleyado ng Tanauan City Hall kasama ang alkalde nang biglang pagbabarilin ang biktima. Sa inisyal na ulat may silencer ang ginamit na baril sa pagpatay sa biktima na tumagos sa kanyang dibdib. Sa ngayon nagpapatuloy ang imbestigasyon at man hunt operation sa mga responsable sa krimen. Si Mayor Halili ay ang Mayor sa Batangas na nagpapatupad ng walk of shame sa mga naarestong mga drug personalities.