Bagyong Gardo, Bahagyang humina at inaasahang lalabas ng PAR Mamayang Gabi

Huling namataan ang bagyo sa layong 860 kilometers silangan – hilagang silagan ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hanging 185 kilometers per hour at pagbugsong nasa 225 kilometers per hour.


Kumikilos west – northwest sa bilis na 30 kph.

Dahil bumilis ang bagyo ay inaasahang lalabas ito mamayang gabi o bukas ng umaga.

Malabong mag-landfall ang bagyo pero pinalalakas nito ang hanging habagat na nakakaapekto sa Palawan, Mindoro at Western Visayas.

Kalat-kalat na ulan ang mararanasan sa Metro Manila, Calabarzon, Bicol Region, Zambales, Bataan at Aurora.

Mapanganib pa ring maglayag sa hilaga at silangang baybayin ng northern Luzon.

Kaugnay nito, ilang lugar muli ang nagdeklara ng walang pasok ngayong araw.

All levels

  • Marikina
  • Malabon
  • Navotas
  • Valenzuela
  • Cainta, Rizal
  • Mamburao, Occidental Mindoro
  • Zambales Province

Article Source: https://rmn.ph/weather-update-bagyong-gardo-bahagyang-humina-at-inaasahang-lalabas-ng-par-mamayang-gabi/


Loading...