‘NPA ouster plot vs Duterte: ‘Scapegoat’ lang para ideklara martial law sa buong bansa’

Nais lang umanong gamitin ng Duterte administration na “scapegoat” ang Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) para ideklara ang martial law sa buong bansa.


Ito ang buwelta ni CPP founding chairman Jose Maria Sison sa naging pahayag ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na planong pabagsakin ng NPA ang kasalukuyang administrasyon hanggang sa buwan ng Oktubre.

Kathang isip lamang umano ang naging pahayag nina Defense Secretary Delfin Lorenzana, National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. at Department of Interior and Local Government OIC Eduardo Año na tatlong taon nang pinaplano ng CPP-NPA ang pagpapatalsik kay Duterte sa puwesto.

Ayon kay Sison, gustong ideklara ni Duterte ang batas militar para sugpuin ang lahat ng kanyang kritiko, kalaban, mga kumukontra at lumalaban sa pagiging sakim at terror ng pangulo.

“It is not true that the CPP has a three-year plan to oust Duterte by October 2018 since 2016. The militarists Lorenzana, Año and Esperon are obviously misrepresenting the 3-year plan of the CPP Central Committee to strengthen the CPP ideologically, politically and organizationally. In fact, the so-called October ouster plan of the CPP, NPA and NDFP is a mere fabrication of Duterte and his militarist adjutants to carry out a fascist coup against the 1987 constitution under the guise of pushing charter change for federalism. They want to use the CPP and NPA as scapegoats for imposing martial law nationwide and anti-terrorism so-called to suppress all critics, opponents and the broad masses of the people who oppose and fight Duterte´s reign of greed and terror,” wika ni Sison.

Naniniwala si Sison na mismong ang Duterte regime ang gumagawa ng destabilisasyon sa pamahalaan dahil sa pagpatay sa libo-libong katao, pekeng kampanya laban sa iligal na droga maging ang pagtaas ng presyo ng basic goods at services at ang umano’y talamak na korupsiyon ng mga kamag-anak ni Duterte.



Loading...