E-gate system sa NAIA Terminal 1 at 3, ilulunsad ngayong araw

Ilulunsad ngayong araw ng Bureau of Immigration (BI) ang electronic gate o e-gate system sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminals 1 at 3.


Ayon kay Immigration Spokesperson Dana Sandoval, layon ng e-gate system na mas mapabilis ang proseso para sa mga Pilipinong nagbabalik bansa.

Aniya, target din ng ahensya na makapagtayo ng dalawampu’t isang ‘e-gates’ sa buong bansa.

Paliwanag ni Sandoval, tatanggapin ng ‘e-gate’ ang may mga updated passport na mayroong ‘chips security features’.

Source: https://rmn.ph/pinadali-e-gate-system-sa-naia-terminal-1-at-3-ilulunsad-ngayong-araw/


Loading...