Pagtutol ng mamamayan sa cha-cha, isinisi ni Sen. Drilon sa mga nagsusulong nito

Para kay Senate Minority Leader Franklin M. Drilon walang ibang dapat sisihin kundi ang mga nagsusulong mismo ng charter change o cha-cha.


Pahayag ito ni Drilon makaraang lumabas sa pinakahuling survey ng Pulse Asia na 67-percent ng mga Pilipino ang tutol sa planong pag-amyenda sa ating saligang batas.

Diin ni Drilon, ang mga nagsusulong mismo ng cha-cha, lalo na ang mga kongresista na nais magpalawig ng termino ang may kasalanan kaya hindi ito sinusuportahan ng mamamayan.

Ayon kay Drilon, malinaw sa survey na tiyak ibabasura lang ng taumbayan ang pagpapalit sa porma ng gobyerno patungong pederalismo kapag minadali ang cha-cha.

Bunsod nito ay iginiit ni Drilon sa liderato ng Senado at Kamara na pakinggan ang sentimyento ng sambayanang Pilipino kontra cha-cha.

Hinikayat din ni Drilon ang pamahalaan na bago atupagin ang cha-cha ay resolbahin muna ang mga problema sa bansa tulad ng pagtaas sa presyo ng bilihin, kawalan ng trabaho at lumalalang kriminalidad.

Source: https://rmn.ph/pansariling-interes-pagtutol-ng-mamamayan-sa-cha-cha-isinisi-ni-sen-drilon-sa-mga-nagsusulong-nito/


Loading...