Bagyong ‘Maria’, super typhoon na

Naging super typhoon na ang binabantayang bagyo na may international name na Maria.

Inaasahang papasok ito sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Lunes pero Linggo pa lang ay palalakasin na nito ang Habagat.


Idineklara ng U.S Joint Typhoon Warning Center na category 5 ang bagyo na katumbas ng isang super typhoon.

May lakas ito ng hanging aabot sa 260 kilometers per hour (kph) at pagbugsong aabot sa 315 kilometro kada oras.

Nagbabantang manalasa ang bagyo sa Jaoan at eastern China sa susunod na linggo.

Article Source: https://remate.ph/2018/07/06/bagyong-maria-super-typhoon-na/


Loading...