7 patay, 44 sugatan na karamihan 4Ps member sa naaksidenteng jeep sa Pagadian
ZAMBOANGA CITY – Umakyat na sa pito ang naiulat na nasawi habang 44 ang sugatan matapos sumalpok ang sinasakyang public utility jeep (PUJ) ng mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps sa iba pang mga sasakyan sa highway ng Barangay Dao, Pagadian City.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo, nagmula ang 4Ps beneficiaries sa bayan ng Labangan sa Zamboanga del Sur at pumunta lamang sa Pagadian City upang mag-withdraw sana ng kanilang monthly cash assistance magtanghali kanina.
Nabatid na nawalan ng preno ang jeep sa pababang bahagi ng kalsada kaya bumangga ito sa hindi bababa sa limang sasakyan.
Sa lakas ng pagkakasalpok, napunta ang PUJ sa gilid ng kalsada at tumilapon ang mga sakay nito.
Samantala, nilalapatan na ng lunas ang mga sugatan sa Zamboanga sel Sur Medical Center kung saan ang aksidente ay nangyari sa hindi kalayuan lamang ng naturang ospital.
Marami umano sa mga biktima ay mga bata at ang ilan sugatan ay malubha ang tinamong sugat sa katawan.
Nabatid na idineklarang dead on arrival sa ospital ang limang biktima na nakilalang sina Ernesto Genecan, Joly Genecan, Tato Genecan, Lots Pecay, at Marry Joy Gengan.
Habang hindi pa nakilala ang isa pang biktima na dead on the spot sa aksidente.
Ayon kay Zamboanga del Sur acting Governor Ace Cerilles, napag-alaman nilang overloaded ang sinasakyang jeep ng mga biktima.
Gayunman, inaasikaso na aniya ng provincial government ang pagbibigay ng agarang tulong sa mga biktima lalo na sa pagpapagamot sa mga nasa ospital.
Inaalam pa ng kapulisan kung may kaugnayan ito sa pagkawala ng preno ng sasakyan na posibleng dahilan ng aksidente.
Source: https://www.facebook.com/bomboradyokoronadal/posts/1878202948889669

Loading...