Pagmamaliit sa kakayahan ni VP Robredo, pinalagan ng pamunuan ng LP

Pumalag si Liberal Party o LP President Senator Francis Kiko Pangilinan sa pagmaliit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kakayahan ni Vice President Leni Robredo na pamunuan ang bansa.


Ipinagmalaki ni pangilinan na sa loob ng dalawang taon mula nang mahalal si VP Robredo ay itinuon nito ang atensyon sa pagtulong na iahon ng mahihirap.

Diin ni Pangilinan, kahit walang posisyon sa gabinete, ay nakahanap si Robredo ng mga katuwang mula sa pribadong sektor upang makapagpaabot ng P252 milyong halaga ng tulong para sa 155,000 na pamilya sa pamamagitan ng kanyang programang angat buhay.

Kasabay nito ay nihayag din ni Pangilinan na ang pormal na pamumuno ni Robredo sa opposition coalition ay nakasandig sa kanyang pamumunong mapagkalinga, mapagpalaya at nananagot.
Tiniyak ni Pangilinan na ang Liderato ni Robredo ay magiging matatag na pambalanse sa mga nasa poder at sa kanilang mga maling patakaran at sapang-aabuso sa tiwala ng mamamayan.

Article Source: https://rmn.ph/pumalag-pagmamaliit-sa-kakayahan-ni-vp-robredo-pinalagan-ng-pamunuan-ng-lp/


Loading...